You can never go wrong with Pink Eyeshadow. It brighten up my eyes for more glowy and wonderful look for the day. It gives me hope to create new masterpiece because of the amazing vibrant color of pink. You can never truly go wrong with it.
Jasmine Borlongan (2019)
Essential makeup kit
Concealer. Ito ay ginagamit kung gustong takpan ang mga eyebags, pores sa mukha, lalo na ang mga dark undereye. Ito ay mas nakakatulong dahil nababawasan ang mga kamalian na mayroon sa mukha.
Matagal tagal din bago ako nakabili ng concealer, ang karaniwang ginagamit ko ay powder lamang na kakulay ng akin balat(skintone). Hinahaluan ko ang powder ng Aqua Mosturizer upang maging creamy ang texture nito ngunit hindi ito nagiging full coverage lalo na’t pinaghalo ko lamang ang mga ito- tila ba experimento lamang.

Powdered Eyebrow Palette. Sa araw araw na ako’y lumilisan sa aming tahanan hinding hindi ito mawawala dahil kung minsan gusto kong gumanda ang aking mga kilay. Para mas magmukhang makatotohanan ay dapat natural lamang upang hindi mapagkamalang drawing lamang.
Mas nagagamit ko ito sa tuwing may okasyon dahil kailangan pak na pak sa paningin ang kilay na nababagay sa makeup look na aking nagawa.

Vice Cosmetics Lipstick (Eklavu). Hinding hindi mawawala ito sa mga espesyal na okasyon na aking dadaluhan karaniwan na dito ay ang debut, tila ba walang kulay ay mundo kung wala kang lipstick na suot suot-pero biro lamang dahil may kulay pa din ang mundo kung pipiliin mong maging masaya at kontento sa mga bagay bagay.
Ang shades na gagamitin ay dapat hindi mas matingkad sa kulay ng iyong eyeshadow o kaya naman ay pale color na parang may sakit. Dapat yung nababagay sa iyong kulay ng balat at umaayon sa balanse ng kulay ng bawat produktong ginamit.

Highlighter and Contour Palette. Sa katulad kong nangangailangan ng konti pampapayat ay ito ang mabisang gamitin upang kahit papaano ay nababawasan ang mga taba taba sa aking mukha.
Ibinabagay din ang paglagay ng contour lalo na kung iba’t ibang hugis ang mukha, pagaralan mabuti bago ito gamitin upang maging kaaya aya sa paningin. Hindi dahil nakakabawas ito ay hindi na aalamin ang tamang gamit nito. Katulad sa highlighter kung alam na oily ang face kahit minimal use na lamang, kung dry you can add, ang mahalaga ay tinatantsahan ang paggamit sa dalawa upang maging balanse.

Irish Orieste Liptint (Red). Kung simpleng galaan lamang ang pupuntahan maaari mo na itong gamitin bilang blush o para sa iyong labi pero dapat mabilisan itong mablend upang hindi mabuo sa iisang lugar lamang sa mukha. Ikaw na ang bahal kung gusto mo buong labi ang malalagyan o mala-fade away lamang sa iyong labi.
Never worry kung sumobra maaari pa itong patungan ng concealer kung iyong nanaisin. Never forget to use lip balm para hindi dry tignan ang labi at para hindi mamalat.

Foundation. Nakadepende sa kulay ng iyong balat sa mukha ang kulay ng iyong foundation, i-match ang shade mo sa iyong leeg upang hindi ito magmukhang parang pugot na ulo. Mas magandang tignan kung ka-shade mo talaga ang nabili mong foundation, ikaw na ang bahala kung gusto mong natural or pakak na pakak (full coverage) dahil ikaw ang may desisyon kung nais mong mas full canvas ang iyong mukha.
Ang mukha ang magsisilbing blank canvas mo sa pagbuo ng kaakit akit na makeup look. Mag-eksperimento at lumikha ng bago gamit ang mga inspirasyon na nais mong makita sa iyong mukha.

Eyeshadow Palette. Isa sa mga palette ko na reward ko para sa sarili ko dahil nakasali ako sa moving up ceremony noong Junior High School ako. I bought it sa mama ng kaklase ko noon thru online selling. Masasabi kong iniyakan at isa sa pinaka-useful na bagay na meron ako sa tuwing may patimpalak sa school noon. Ito lagi ang sandata ko, ngunit minsan na itong nawala dahil sa malilikot at inggit na mga kamay kaya ilang linggo din nawala sa akin ito, nagpapasalamat na lamang ako dahil may mga mabubuting taong tumulong upang maibalik sa akin ito muli. Isa ito sa mga tini-treasure ko dahil ito lamang ang luho ko sa mga pagod at sakripisyong aking ginagawa.
Itong nasa picture ay ang pangalawang palette na aking nabili para sa sarili ko ngayong Senior High School na ako. Kulay puti ang palette na nawala noon. Napakalaking bagay sa akin ng mga makeups ko dahil sila ang nagbibigay inspirasyon upang lumikha ako ng mga bagong sining sa mumunting gamit.

Ang mga makeups na mga ito ang nagbibigay pagasa sa akin dahil isa sila sa mga nagbibigay inspirasyon sa tuwing nawawalan nang kulay at silbi ang buhay ko. They gave colors and sparks whenever I used them. Sa mga susunod na araw may darating na mga bagong palette, tiyak na papahalagahan ko ang mga ito dahil ito ang mga simbolo ng paghihirap, pagti-tiyaga ko sa buhay kaakibat na rito ang mga tulong na ginagawa ng aking pamilya upang matupad ang mga minimithi kong pangarap. Mas nagiging produktibo at pursigido akong dahil alam kong sa mabuting bagay ko ito inilalaan. Hindi basta basta ang mga ito dahil behind every item na nakikita niyo, may background story ang lahat ng mga yan.
Maraming salamat sa pagbabasa ng blog na ito. Sobrang na-appreciate ko kayo. Sa muli, magpo-post ako ulit ng mga bagong updates sa mga nadagdag na makeup palettes ko.♡
Love, JA♡
|All pictures captured by JA Borlongan|
MAKEUPS

Ang mga pinagi-ipunan ko sa mga panahong may tagumpay o kalungkutan akong nararanasan. I never thought na makakahiligan ko ang pagbuo ng isang magandang likha na pinagsama samang mga kulay sa aking mukha.
Napakagandang pagmasdan ang aking mga unti unting pinagpapaguran ay unti unti rin nagbubunga kahit papaano.
|Captured by JA Borlongan|






